top of page
Search
  • Dennis

Imbitasyon para sa aming mga kababayan


Magandang araw po sa inyo.

Ako po si Dennis, Dennis Juanir. Eto po ang akin maybahay si Arlene.

Kapareho po kami ng marami sa ating mga Pinipino na lumunsad dito po sa US para

mapaunlad ang aming mga buhay at makatulong sa aming mga pamilya sa Pilipinas.

Nakapagtrabaho po kami bilang mga registered nurses dito po sa Los Angeles, California, at dito na rin nagkaroon ng mga anak.

Naging maganda naman ang naging resulta ng aming pagtatrabaho ng full-time at malimit nag-overtime sa ospital para kumita ng extra. Ngunit alam ninyo, maski ganun pa man, ang kita namin ay parang sapat lang para sa susunod na suweldo.

Sinubukan ni Arlene na pumasok sa real estate brokerage business noong 2008, ngunit hindi naging maganda ang resulta. Bumagsak ang real estate business, at nabaon pa kami ng husto sa utang. Lumaki ng lumaki ang aming utang sa credit cards.

Hanggang sa kami ay sinampalad na ipakilala sa isang kalakal na nakapagbago ng aming buhay simula noong 2010.

Nagpapasalamat kami sa aming kaibigan na isang engineer na siyang nagpakita sa amin nang isang advertising business.

Isa pong napakalaking blessing -- kasagutan sa aming dalangin ang kalakal na ito. Sa loob po ng isang taon, nabayaran naming ang lahat ng aming utang sa credit cards.

Nais rin po namin na makahanap ng mga ilang kabayan na naghahanap ng solusyon sa kanilang pinansiyal na pangangailangan.

Naiintindihan po naming na hindi po ito para sa lahat. Pinapaunahan na rin po namin kayo na nangangailangan itong business ng konting aral, sipag at tiyaga. Ngunit ang kapalit nito ay ibayong kapalarang pinansyal para sa aming magiging ka-partner sa kalakal. Hindi po MLM, hindi po kami nagbebenta ng produkto o nangangailangan ng malaking puhunan.

Kung kayo po handang magbago ng buhay at matuntun ang inyong mga pangarap, i-private message o i-PM po ninyo kami, at tayo po ay mag-usap.

Salamat po!

Recent Posts

See All
bottom of page